ABCD...OFW [Video]


Ano bang meron sa mga letra ng alpabetong OFW? Hindi siguro lubos na maiintindihan ng ibang taong hindi nagtrabaho sa ibang bansa, pero sa isang karaniwang OFW, ang mga salitang aming ipinakita ay maaring magbalik ng mga karanasan. Ito ang mga simpleng salitang palagi nating naririnig, nararamdaman, hinaharap, o di kaya'y tinataguan. Ano ba ang meron sa salitang Chocolates, kung hindi ito ay isa sa mga hindi nating makakalimutang isama sa ating hinahandang Balikbayan box. Kanina lamang, sa loob ng isang public bus dito sa Taiwan, ilang beses kong naulinagan ang salitang Medical, Embassy, at Overtime sa isang kababayang nagkukwento sa kanyang kasamang kaibigan. Lahat ng salita sa alpabetong ito ay may katumbas na kwento. 'Yun naman ang importante. Ang mga kwentong nakadikit na sa ating pagkatao. Kayo, ano ang mga letra paborito nyo? Video: ABCD...OFW Video

1 comment:

  1. From Gloc 9 "Walang Natira"

    Mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
    Ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
    Kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
    Ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
    Nasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
    Mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
    Ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
    O barko kahit saan man papunta.
    Basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
    Ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
    Ganyan ba ang kapalit ng buhay ng Pilipino
    Lilisanin ang pamilya aamo kahit na sino
    Gugutumin sasaktan malalagay sa piligro
    Uuwing nasa kahon ni wala man lang testigo
    Darating kaya ang araw na itoy magiiba
    Kung hindi ka sigurado mag-isip isip ka na...

    ReplyDelete